Lagi na lamang nagtatago sa dilim.
Laging sa kama may kaulayaw,
Kailan ba ako makakaayaw;
Sa estadong ganito?
Sabi nila ako kanila'y gusto,
Pero bakit ganito?
'Di na kakilala 'pag labas ng kwarto.
Sadya nga bang ganito kalupit ang mundo
Sa isang putang katulad ko.
~Nesca